Abante Tonite Interactive

Sa pagkabangkarote ng Maynila: May mga dapat managot ­— VM Lacuna

443

Tiniyak ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna na magsasagawa ng imbestigasyon ang city council kaugnay sa maanomalyang paggastos ni dating Manila Ma­yor Joseph Estrada.

“May mga iimbestigahan at may mga dapat na ma­nagot,” ayon kay Lacuna.
“Kahit na I was a part of previous administration, I was not apart wala akong ginawa kundi manugod lang nang manugod ng tao sa loob ng tatlong taon,” dagdag pa ni Lacuna.

Una nang naglabas ang COA ng ‘adverse opinion’ sa financial position ng city government ng Maynila sa pamumuno ni dating Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ang adverse opinion ang pinakamababang rating na ibinibigay ng COA na ang ibig sabihin ay nagkaroon ng ‘gross misstatement’ o anomalya sa financial record.

Nadiskubre sa 2018 annual audit report, hindi makumpirma ng COA ang katotohanan sa P11.77 bilyong cash account dahil sa iba’t ibang kadahilanan, kabilang na dito ang discrepancy sa P391.05 milyon. (Juliet de Loza-Cudia)