Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sa TNT lang tsinugi: Baldwin pinakapit sa SBP

0 299

Nananatili sa kanyang posisyon si Thomas Anthony ‘Tab’ Baldwin bilang project director ng Gilas Pilipinas program ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Ito ang binunyag nina SBP Executive Director Renauld Barrios at Operations Director Butch Antonio sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast kahapon. Patuloy na nmamumuno ang American-Kiwi sa paghahanda ng national team sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng bansa, Japan at Indonesia.

“Sa ngayon wala naman not unless magsasalita ulit siya ng wala sa lugar,” ani Barrios sa kada Martes na talakayang mga hatid ng Smart, San Miguel Corp., Go For Gold, Amelie Hotel, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Aminado si Barrios na sumobra ang 62-anyos na si Baldwin na coach din ng Ateneo Blue Eagles, sa maanghang na pagsasalita sa publiko. Pero hindi pinatalsik sa national sport association kundi sa TNT KaTropa lang bilang assistant coach.

“In any given situation, nobody has a lock on position, not me, not Butch, not anybody,” hirit pa ni Barrios. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.