Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sa tweet kay Pacquiao: Conor KSP!

0 319

PA-PAMPAM, papansin, gusto lang ng atensiyon.

Ganyan ang reaksiyon ng karamihan sa mga netizen kay UFC star Conor McGregor matapos kumasa sa nilulutong bakbakan nila ni fighting senator Manny Pacquiao.

Nitong Sabado kasi ay binulabog ni Irish fighter McGregor ang social media nang kasahan nito ang hamon kontra ‘Pambansang Kamao’.

Nag-tweet pa ito ng tagalog word na ‘Tinatanggap ko’ bilang pasaring sa Pinoy ring legend.

Marami man ang na-excite, tingin ng iba ay ‘KSP’ lang o kulang sa pansin si McGregor dahil laos na ito at wala nang pera.

SM food to go Banner Ad

Banat ni netizen @RoiedonnaVasta, “McGregor just want to make money, this is not about the fight.”

Sey namn ni @LeonBunseedhun, “just trying to keep his name relevant great fighter but ifc does not need him now his time has been gone.”

Hirit ni @FranciscoCabrera, “playing games. The retirement thing is getting old my boy. Get back to being hungry if not just star retired.”

Pahabol naman ni @VinPedernal, “attention seeker.”

Markado man sa mixed martial arts si Conor ay may karanasan din ito sa boksing matapos kalabanin ang karibal ni Pacman na si Floyd Mayweather Jr noong Agosto 2017 na pinagwagian ng huli. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.