Abante Tonite Interactive

Sa US o China?

428

Ano ba ang Mutual Defense­ Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika? Ang kasunduang ito ay napirmahan noong August 30, 1951. Ang mahalagang isinasaad ng kasunduan ay pagsuporta ng dalawang bansa sa isa’t isa kung ang Pilipinas at Amerika ay inatake ng ibang panlabas na partido.

Hiniling ni Defense Secretary Delfin Lorenzana noong Disyembre ng nakaraang taon ang ­muling pagsilip sa tratado na ang pangunahing pakay ay kundi man panatilihin, palakasin, o ibasura nang tuluyan ang kasunduan.

Magmula nang malagdaan ang kasunduan noong 1951, ­marami na hong nangyari sa relasyon ng Amerika at Pilipinas. Nagdaan ang ibat-ibang admi­nistrasyon, lumakas lalo ang relasyon, at ­humina matapos na mawala ang mga base militar noong 1991. Lumakas muli matapos paigtingin ng Ramos hanggang Aquino administration ang relasyon. Humina muli matapos na maging maasim ang pakikitungo ng Duterte administration dahil bwisit siya kay Obama.

Pero sa pagpasok ni Pangulong Donald Trump baka mapalakas muli dahil halos pareho sila ng istilo ng pamumuno ni Duterte. Ang sinasabi natin, sa kabila ng roller coaster type of relationship, ­nananatili ang tratado at commitment­ sa kasunduan­ ng dalawang bansa na ipagtatanggol­ ang depensa­ ng isa’t isa.

Medyo nag-iiba lamang­ ang timpla dahil­ sa ilalim ng Duterte administration, mas binibigyang bigat nito ang relasyon sa China, na hindi kasundo­ ng Amerika­ dahil­ sa kanilang tinatawag­ na trade war.

Kaibigan ang turing ng Pangulong Duterte sa China. Pinapatuna­yan ‘yan ng pagkiling ng administrasyon sa pangungutang sa ­China na mas mataas ang interes­ kumpara sa ibang ­trading partners gaya ng Japan na handang magpautang sa mas mababang interes.

Mas binigyan natin ng bigat ang relasyon sa China sa kabila ng pagmamalabis nila sa paggamit ng mga teritor­yong pinagtatalunan sa West Philippine Sea ng dalawang bansa. ­Hindi natin ginagamit na ­barter ang desisyon ng UN, na atin ang teritoryo­ dahil baka ma-offend natin ang China na kaibigan natin kung ituring­. Nagbulag-bula­gan tayo sa kanilang mga pagmamalabis sa ating mga mangingisda dahil kaibigan­ ang turing­ natin sa kanila.

Susme naman, pati ba naman ang Benham Rise na bahagi na ng Pacific Ocean, eh sasakupin niyo pa? Dumadaan kayo sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi, sa kabilang bahagi na ito at wala na sa inyong walang basehang nine dash line, pinupuntirya niyo pa rin. At pagka dumaan kayo, ne hindi kayo nagpapaalam? Aba, anong klaseng kaibigan naman ito. Sinasaksak tayo sa likuran? Kung ganito kaibigan, hindi na natin kelangan ng kaaway.

Nirerespeto natin ang independent foreign ­policy ni Presidente. Pero dapat independent talaga, and that includes China. Dalawa lang naman ang pagpipilian ng mga Pilipino sa ilalim ni Duterte. Gamitin natin­ ang Mutual Defense Treaty­ at humingi ng tulong sa Amerika at maibalik ang impresyon na tuta nila tayo. At least noong mga panahong ‘yun, hindi naman nila sinakop ang West ­Philippine Sea. Hindi rin nila inabuso ang likas na yaman doon. O kaya patuloy tayo na magpaabuso sa China, hayaang sakupin ang mga teritor­yong inaangkin natin sa West Philippine Sea at tuluyan nang magpatuta dito gaya ng ginawa ng Cambodia. Kayo, ano pipiliin ninyo?