Abante Tonite Interactive

Saan humuhugot ang mga basher?

178

Dear Abante Tonite Editor:

Paano kaya nakatutulog ang mga taong sinasadyang saktan ang kanilang kapwa tulad ng mga basher?

‘Yong tipong wala namang ginagawang masama o sinasabi laban sa kanila ay babanatan o sasabihan ng hindi maganda? Tanong ko nga eh, saan ba nila hinuhugot ang negativity?

Depensa pa ng ilang basher, bakit sila hahadlangan kung totoo naman ang kanilang sinasabi? o kaya nagpupuna lang naman sila.

Parehong tama ang ganitong pag-iisip, pero may ilang mali rin.

Una, ano ba ang kanilang hangarin sa pagsasabi ng totoo at pagpuna? Ito ba ay para ipahiya ang tao o gawing katawa-tawa sila?

Kung ang kanila sanang layunin ay para maiangat ang antas ng katangian o mapabuti ang kalagayan ng kanilang pinupuna, walang problema.

Kaya lang, madalas kasi walang pinatutunguhan ang kanilang pagpuna, madalas paninira lamang sa iba, o kaya pagpapakalat lang din ng maling balita.

Tawag ko nga sa kanila ay mga modern chismosa.

Katy ng Quezon City