Abante Tonite Interactive

Saan kami pupunta?

0 267

Dear Abante Tonite,

Isa po ako sa maraming residenteng naapektuhan ng isinasagawang clearing operation sa mga munisipalidad at lungsod sa Metro Manila.

Ako po ay taga-San Juan City, may sasakyan at nagpaparada lamang sa harapan ng aking tahanan. Maganda at pabor naman ako sa puspusang clearing operation na isinasagawa ng aming mga lokal na opisyal.

Subalit, dapat naman ay may mga inilaan silang parking space na aming mapaparadahan ng sasakyan kung ipagbabawal na iparada ito sa harapan ng aming tahanan.

Mayroon nga silang sinasabing pwedeng paradahan, pero magbabayad ka naman ng P100 sa loob ng 12 oras at bukod pa dito ay puno na rin ang paradahan, kaya wala rin kaming magawa kundi muling iparada ang aming sasakyan sa harapan ng aming mga bahay-bahay.

Isa pa mabigat din naman sa amin ang magbayad ng P100 kada 12 oras kaya hiling naman namin sa aming alkalde at mga namumuno sa clearing operation sa San Juan, magkaroon naman sana sila ng konsiderasyon at bago nila tiketan ang mga sasakyan na nakaparada sa harapan ng aming mga tahanan, ay maglaan muna sila ng nararapat na paradahan na walang babayaran.

Nitong nakaraang araw ay walang pakundangan na tiniketan kami ng mga tauhan ng MMDA dahil illegal parking daw kami at dapat ay hindi namin ipinaparada ang aming sasakyan sa harap ng aming bahay? E saan naman kami pupunta?!

Senior Citizen ng San Juan City