Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sab bagong pantasya ng bayan

0 322

NI: Roldan Castro

Ilulunsad ng Viva Films ang isa sa Pambansang bagong Pantasya ng Vivamax na si Sab Aggabao.

Limang taon ang kontratang pinirmahan niya at nasa pamamahala siya ng TEAM ni Tyronne James Escalante.

Kasali siya ngayon sa pelikulang ‘Pornstar 2’ na nakatakdang ipalabas sa December.

Bagamat marami ang nagsusulputan na hubadera, magmamarka si Sab bilang sexy- comedienne.

Komedyante kasi siya sa tunay na buhay. Friendly rin at madaling pakiusapan.

Umpisa pa lang ay napatawa na niya si direk Darryl Yap at mga kasamahan sa Pornstar 2 nang tanungin niya kung may ‘penetration’ ba sa pelikula. Kahit daw sina Osang, Ara Mina, Maui Taylor at Alma Moreno ay nagulat sa kanyang tanong kaya nag-trending ito sa grupo nila.

Gusto ba niyang sundan ang yapak ni Rufa Mae Quinto na seksi at komedyana?

“Gusto ko maging original na Sab Aggabao.Go ako sa mga concept na ginagawa niya pero bet ko maging orig ,” diretso niyang sagot.

Pangalawang putok ang tawag nila sa Pornstar. Ilang putok ba ang gusto niya?

SM food to go Banner Ad

“Naku, baka kapag dumikit kayo sa akin, hindi niyo alam kung ilang ‘putok ang gusto niyo,” tumatawa niyang pahayag.

Sino ang idol niya sa mga nagpapa-sexy ngayon?

“Friend ko pa..si AJ (Raval),” pakli niya.

Masaya ngayon si AJ , happy rin ba ang lovelife niya?

“Wala! Kung alam niyo lang…pero wala talaga,” sey pa niya sabay bungisngis.

Sino naman ang showbiz crush niya?

“Sina Paulo Avelino at Piolo Pascual. Kung tinitingnan ko sila, okey guwapo sila,” tugon niya.

Hirit niya, bet daw niya sa lalaki ang ‘yung nasa edad 30’s. Ayaw niya sa mga bagets.

Sobrang lucky ni Sab dahil kahit pandemya ay apat ang pelikula niya sa Viva. Bukod sa Porn Star 2, kasama siya sa ‘Crush Kong Curly,” ‘Adarna Gang,’ at isa pang movie na hindi pa puwedeng banggitin ang title.

Puwede siyang i-follow sa Sab Aggabao Facebook Page, sa Instagram ay realsabaggabao at sa TikTok sabaggabao05.

Abangan si Sab dahil live siya sa Abante Tonite Facebook page, Abante Radyo Tabloidista sa Friday 7 PM .

Leave A Reply

Your email address will not be published.