Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sab dibdiban ang laban kay Ayanna

0 146

NI: ROLDAN CASTRO

Ipapakilala sina Sab Aggabao, Ayanna Misola, Stephanie Raz, at Cara Gonzales sa ‘#Pornstar2 Pangalawang Putok.’ Sila ang mga sariwang sexy stars ng Vivamax .Bibinyagan sila ng mga legend na sina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor at Rosanna Roces.

Hindi lang patalbugan sa kaseksihan at acting ang apat kundi ‘dibdiban’ din ang labanan.

Anong masasabi nila ‘pag hinusgahan siloa kung sino ang mas magaling pag showing na ang movie na Pornstar2? Ready ba silang ikumpara sa isa’t isa?

“Actually, I don’t see myself to compare sa mga kasamahan ko dahil nu’ng magkakasama kami sa shoot may sarili silang personality.Iba rin ang character nila ‘pag nag-shoot na,” pakli ni Sab.

“Magaan ang loob namin sa isa’t isa. Nakakatuwa silang makatrabaho dahil hindi ako naiilang kapag may sexy scenes kami. Siyempre hubad kaming apat, wala na pakialam kung sabay -sabay kami,” dagdag pa niya.

Sey naman ni Ayanna,”tatanggapin ko po kung ano man po yung sabihin nila. Normal lang naman po na magkaron ng different opinions yung mga viewer towards sa aming apat. Basta po alam ko po na binigay namin ‘yung ‘best’ namin para mabuo ‘yung movie na ito, and walang naging competition. Nasa viewers na po ‘yan kung sino man po sa amin ang mag- standout para sa kanila.Hehehe.”

Husgahan silang apat sa December 3.Palabas na ito sa Vivamax, sa direksyon ni Darryl Yap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.