Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabak agad sa baha si Mayor Jeannie

0 265

Maraming kababaihang politiko ang naluklok ngayon sa puwesto.

May mga mayor, kongresista. Pero mukhang mas marami ang nahalal na mga babaeng alkalde.

Hindi talaga matatawaran ang galing ng mga kababaihan pagdating sa serbisyo-publiko kaya maraming bebot ang pinalad na manalo sa katatapos na eleksiyon.

Kaya paniguradong hindi masasayang ang boto ng mga constituents ng mga nanalong babaeng mayor.

Katulad na lamang ng unang babaeng Mayor ng Malabon City na si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval.

Aba’y matapos manumpa noong June 30 ay dumiretso ito sa Malabon City hall at pinulong ang mga department head para ilatag ang ilang plano lalo na ang bumulaga na problema sa kanyang pamumuno ang pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.
Bago manumpa si Mayor Sandoval ay nangyari na ang pagbaha sa ilang barangay sa Malabon.Ibig sabihin hindi pa niya termino nang perwisyuhin ng baha ang ilang residente ng Malabon.

Pero dahil patapos na ang termino ng kanyang papalitan ay hindi na ito nag-effort na ayusin ang problemang bunga ng pagkasira ng floodgate.

Sabagay kung wala naman talaga sa puso ang pagseserbisyo ay huwag na tayong umasang palalawigin pa ito, lalo na’t wala ka na sa poder.

Mapalad na lamang ang mga taga-Malabon dahil isang katulad ni Mayor Jeannie ang kanilang lider na walang pinipiling oras para magtrabaho.

Mantakin ninyong sinugod ni Mayor Jeannie at ilang kasamahang opisyal ng Malabon City government ang sanhi ng pagbaha at walang kiyeme nitong nilusong ang baha para personal na malaman ang sitwasyon lalo na’t maraming magulang ang nananawagan na sa social media na tulungan sila dahil sa maaring panganib na idulot ng pagbaha sa kalusugan ng kanilang mga anak.

SM food to go Banner Ad

Patunay na hindi natutulog sa pansitan itong si Mayor Jeannie at handang harapin anumang problemang kakaharapin ng kanyang mga nasasakupan.

Malayung-malayo si Mayor Jeannie sa ibang kakilala kong Mayor na mga tauhan lamang ang inuutusan kahit sa mga kritikal na problema dahil hindi sila maabala sa pamamasyal o pagpapahinga.

Sa sipag ni Mayor Jeannie ay nakatitiyak tayong hindi ito magpapaiwan sa iba pang Mayor sa Metro Manila na may magandang hangarin para sa kanilang nasasakupan.

***

Cong. Maniquiz suportado si PBBM

Speaking of babaeng politiko na nagwagi sa katatapos na halalan.

Wagi rin po si dating Botolan Mayor Bing Maniquiz bilang kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Zambales.

Hindi nagkamali ang mga mamamayan sa ikalawang distrito ng Zambales sa pagboto kay Cong. Maniquiz. Napakasipag ng lider at lahat gagawin para sa ikauunlad ng kanyang nasasakupan.

Ngayong nasa Kongreso na si Cong. Maniquiz na mas kilalang ‘Nanay Bing’ sa Zambales ay mas marami pa itong proyekto, programang ilalatag tungo sa kaunlaran ng mga mamayan at lalawigan ng Zambales.

Napasilip nga ako sa Facebook page ni Cong Maniquiz at nakita nating kasama ito sa mga dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na pagpapakita na suportado nito ang liderato ng bagong Pangulo ng bansa gayundin ang mga programa nito para sa ikauunlad ng Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.