Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabalo, Marquez rarampa

0 82

Patuloy na ipinagdiriwang ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tagumpay ng pambansang delegasyon sa katatapos na 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.

Kaya tampok sa espesyal na bahagi ng PSC’s ‘Rise Up! Shape Up!’ ngayong Sabado, Hunyo 4, na pinamagatang ‘Step Forward with Steph” sina SEA Games award-winning dancesport duo Stephanie Sabalo at Michael Angelo Marquez.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ipapakita sa webisode ang magagandang galaw ng dalawa habang pinamumunuan nila ang isang Dancesport Clinic kasama ang mga kababaihan sa lahat ng edad sa isang maliit na komunidad sa Bay, Laguna.

Pinangunahan ng Sabalo-Marquez tandem ang national dancesport team sa SEA Games sa paghakot ng unang medalyang ginto ng bansa sa Latin Cha Cha Cha event habang nasungkit ang mga pilak sa Latin Jive at Five Dances.

Natutuwa naman si PSC Women in Sports Oversight Commissioner Celia H. Kiram na naglaan ng oras ang Sabalo-Marquez dance duo para ipakita ang mga pangunahing hakbang sa dancesport para sa kababaihan ng Bay, Laguna.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.