Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabayang Toda Ride ikinasa sa Bulacan

0 39

Inilunsad ni San Jose Del Monte City (SJDMC) Rep. Florida Robes ang Sabayang Toda Ride sa buong Bulacan bilang pagsorta sa tambalang BBM-Sara para sa halalan sa Lunes.

Ayon kay Robes, mahigit 1,000 tricycle operators at drivers ang lumahok sa nasabing aktibidad bilang patunay na suportado ng mga taga-Bulacan sa sektor ng transportasyon ang tambalan ng dalawa na parehong anak ng mga Pangulo ng bansa.

Kabilang sa mga nakiisa sa Sabayang Toda Ride ang 24 na syudad at munisipalidad sa buong lalawigan ng Bulacan na kinabibilangan ng SJDM, Norzagaray, Angat, San Miguel, San Ildefonso, Baliuag, Bustos, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Malolos, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, Bulakan, Balagtas, Bocaue, Sta. Maria, Pandi, Marilao, Meycauayan at Obando.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ni Robes na solid ang suporta ng bawat TODA sa kanilang lalawigan dahil lahat ng kasapi ng mga ito ay lumabas ng kanilang tahanan para makiisa sa aktibidad.

Lumikha ito ng mahabang pila ng mga miyembro ng bawat TODA sa mga pangunahing kalsada sa lalawigan pero hindi naman ito nagdulot ng pagsisikip ng trapiko.

Nagpasalamat naman si Robes sa suporta ng mga TODA sa Bulacan dahil patunay aniya ito ng tunay na pagkakaisa ng mga Filipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.