Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabete, 4 pa inalis ng ‘PG’

0 63

Naghiwalay na ng landas ang limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina Jeanette Panaga, Jonah Sabete at Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa mula sa ilang taong pagsasama-sama.

Related Posts

Sa isang social media post ng PG nitong Lunes, nagpasalamat ang team sa naging serbisyo nang inalis na tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy Prado na giniyahan ang Angels sa trono ng 2019 Philippine Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

“We’re thankful for all the years you’ve played for the Petro Gazz family! Forever grateful for all the amazing memories!” lahad ng team management via Facebook. “Wishing you all the best in your future endeavors! Thank you, Angels!” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.