Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabete balik Sta Lucia

0 73

Magbabalik para sa Sta. Lucia pagkaraan ng tatlong taon si Jonah Sabete bitbit pa sina veteran volleybelles Maricar ‘Kai’ Nepomuceno-Baloaloa at Jovy Prado, inanunsyo ng koponan nitong Linggo.

Sa isang short video clip, pinakilala ng Lady Realtors ang tatlong bagong recruit na sasama kina ace players Mika Aireen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda, at Amy Ahomiro. Pamalit ang tatlong bagong dating sa pinakawalang sina RoyseTubino, Regine Arocha at Aie Gannaban.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Huling lumaro sina Sabete, Baloaloa at Prado sa Petro Gazz ng Premier Volleyball League (PVL) na dinala nila trono ng 2019 Open Conference.

Nasa Sta. Lucia si Sabete noong 2017 bago nag-Angels sa PVL noong 2019. Kasali ang Realtors sa PSL Beach Volleyball Challenge Cup sa February sa Subic. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.