Abante Tonite Interactive

Sabik sa Boracay

608
Marami na ang nasasabik na masilip ang bagong Boracay.
Sabi pa nga ng mga millennials ay version 2.0 ang tawag dito. Bagong bersyon. Bagong mukha.
Sa a-beinte sais (Oktubre 26) na kasi ang soft ope­ning nito.
Sa ngayon ay abala ang lahat sa mga dry run, lalo na ang pagbiyahe ng mga pasahero mula sa Caticlan patu­ngong Boracay. Panay mga lokal na residente at emple­yado o crew ng mga operational na resorts at restaurant ang pinapayagang makapasok sa ngayon.
May importanteng paalala lang sa publiko ang pamahalaan, partikular ang Task Force Boracay. Dapat siguruhin na ang resort o hotel na ka-deal ay DENR-DOT compliant.
Sa pagbubukas kasing muli ng Boracay simula Oktubre 26 ay tanging ang mga resorts/hotels lang na nabig­yan ng panibagong permit ng gobyerno ang papayagang tumanggap ng bisita.
Ang mga magbu-book sa mga non-compliant hotels at resorts ay hindi na papayagang makatawid pa sa Boracay.
Sa kabila kasi ng babala ng Department of Tourism (DOT) sa mga non-compliant establishments na huwag tumanggap ng booking ay may mga mapagsamantalang ahente pa rin at pekeng websites na nambibiktima ng mga inosenteng turista.
Maging mapanuri at mapanaliksik daw dapat ang publiko bago magbitaw ng pera.
Sa mga unang tatapak sa Boracay version 2.0, dapat ding naging conscious na at mapangalaga sa kalikasan upang hindi na muling masalaula ang world-class touris­t destination na ito.