Abante Tonite Interactive

Sabit kay misis, pambili ng bigas trinabisya

By
576

Sabit sa sabungan, pero hindi sa kapustahan kundi kay misis.

Eh kasi naman, isinugal pati pambili ng bigas at ulam ­hahaha. Noong Lunes sumi­lip ako sa sabungan, maya-maya ay may nag-umpukan at sigawan ng…..huli!

‘Yun pala, pinunta­han ni misis si mister sa sabungan para humingi ng pambili ng kakainin nila, walang naibigay si mister kaya umuwing galit ang asawa nito.

Mga klasmeyt, hindi naman masama magtrabisya pero bago manaya, siguruhin n’yo muna ‘yung para sa pamilya o kaya magli­bang lang at itaya lang ang sobrang kinita.

Ayan tayo eh, kaya napapasama ang tingin sa atin ng ibang tao dahil sa mga kabulastugan na ginagawa ng ibang kasabong natin.

Hayst, huwag mo na ulitin kuya, kapag ginawa n’yo pa yan at natiyempong nandun din ako, ibabalandra ko pangalan mo dito sa Dalusapi.

***

Mananawa kayo sa sultada sa susunod na buwan, bukod sa international derby ay marami ang nagpapa-derby hindi lang dito sa Metro Manila maging sa iba’t ibang parte ng bansa kaya good luck mga kasabong.

***

Congratulations kay Ma’am Rhona Bullecer sa inorganisa niyang Handog ni Rhona Medical, Dental & Optical Mission noong Linggo sa Barangay Jalayjayin, Pililia, Rizal.

***

Happy Birthday kay Boss Charlie ‘Atong’ Ang. Good luck sa laban ng AA Cobra GameFarm sa 2018 World PitMasters Cup 9-Stag International Derby.