Abante Tonite Interactive

Sablay na designer kinampihan nina Valerie, Belo

0 939

Isang Aan Tolentino-Tan ang may mahabang post sa Facebook. Inireklamo nito ang sikat na gown designer ng mga celebrity na si Patricia Santos.

Ilan sa mga suki niya ay sina Kathryn Bernardo, Jinkee Pacquiao, Anne Curtis, Liza Soberano at Dra. Vicki Belo.

Si Patricia rin ang gumawa ng wedding gown ni Valerie Concepcion na kabigha-bighani ang dating.

“Yes, Si Patricia Santos po ang gumawa ng gown ko. I super loved my gown! Everyone loved it! Ung mga guests po namin sa wedding and pati mga netizens. Wala po ako reklamo sa gown ko. As I’ve said po sa post ko sa IG, my wedding gown designer was a perfect choice,” pakli niya sa Messenger.

Ani Aan, halos lumuwa na umano ang kanyang dibdib dahil hindi fit at maluwag sa kanya ang wedding gown na gawa ni Santos. Nagpakita siya ng mga photo bilang ebidensya sa mismong kasal nito. May 2.2K na ang nagkomento sa post ni Aan at 1K shares. 4.2K na rin ang nag-like.

Nag-sorry naman si Santos dahil sa insidente. Willing pa umano siyang mag-quit na sa pagde-design dahil sa pangyayari.

“I made a mistake & trusted the wrong people. I just want to apologize and accept what is and pray I get through this. People are fighting their own battles everyday and surviving.. I am still here and I have no right to complain. My life & work is my choice and responsibility. I’m so sorry If I have failed to make everyone happy. I really tried to but ended up disappointing. I do not wish to hurt anyone and to say anything more regarding this matter after this post,” part ng post ni Santos sa kanyang IG.

Nagbigay naman ng words of encouragement si Vicki para sa designer.

“I just want to say that you are one of the people I admire most. Your passion and love for what you do is so inspiring. I’ve known you for only a year but I see how hard you work trying to make people beautiful and happy.

“If you need anything I’ll just be here. Remember that many people love and support you,” bahagi ng komento ni Vicki.

Ilan pa sa nagbigay ng suporta at pagmamahal kay Santos ay sina Chienna Filomeno, Moira dela Torre, Elisse Joson, Lian Paz, Dani Barretto, Camille Prats at iba pa. (Jun Lopez)