Abante Tonite Interactive

Sablay ng Smartmatic-VCM paliwanag niyo!

0 287

Duterte sa Comelec

Dapat ipaliwanag ng Comission on Elections (Comelec) sa mga tao kung ano ang nangyari sa mga vote counting machine (VCM) ng Smartmatic na pu­malpak sa kasagsagan ng botohan sa buong bansa.

Ito ang ipinahayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang press conference matapos bumoto sa Davao City Lunes nang hapon.

Tinanong ang Pangulo tungkol sa mga insidente ng kapalpakan ng mga Smartma­tic-VCM at sinabi nito na isang independent body ang Comelec kaya hindi agad kikilos ang ehekutibo para busisiin kung ano ang nangyari sa kanilang ginawang paghahanda para sa eleksyon.

“That would be early. Co­melec is an independent body and if there’s any malfunction there or there’s any aberration at all in the procedure or process in the conduct of the election, let Comelec explain first to the people before we even initiate an investigation,” anang Pangulo.

“That is in recognizance of the separation (of powers,” dagdag ng Pangulo.

Sa pagbubukas pa lamang ng botohan ay marami na ang nagrereklamo dahil sa mga pumalyang Smartma­tic-VCM kaya’t kinailangang maghintay ang mga botante ng ilang oras dahil ayaw tanggapin ng makina ang kanilang mga boto.

Nauna rito ay nagbabala naman si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Smartma­tic, ang IT service provider ng Comelec.

“Huwag na nila pakialaman ‘yung results ng botohan,” pahayag ng alkalde sa media matapos bumoto sa Davao City.

Sinabi ni Mayor Sara na dapat maging “faithful” ang Comelec at Smartmatic sa piniling iboto ng mga tao.

“That’s why it is an election, that’s why it is a democracy. People are allowed to choose kung sa kanila yung gusto nilang botohan that’s why we remind also the COMELEC and Smartmatic to be faithful sa mga choices ng mga tao,” ayon pa sa alkalde. (Aileen Tali­ping/Prince Golez/JC Cahinhinan)