Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabong hinirit kay Duterte

0 189

Umapela ang isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na payagan na ang pagbubukas ng gamefowl industry sa mga general community quarantine area.

Ayon nitong Miyerkoles kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, sumulat siya sa Presidente para hilingin na payagan na ang mga sabong event na makakatulong aniya sa pagbibigay ng trabaho at pagbuhay sa ekonomiya.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“I take the liberty of reiterating our collective appeal to his Excellency’s sense of compassion for the resumption of cockfighting in general quarantine areas in the country subject to applicable health and safety protocols which the IATF may prescribe under the new normal,” anang mambabatas sa kanyang liham sa Malacañang na may petsang October 6.

Aniya, ligtas nang ituloy ang sabong sa mga GCQ area at handa naman ang mga stakeholder na magpatupad ng kinakailangang measure para masiguro ang proteksyon ng mga mananabong habang nasa loob ng mga sabungan.

Bilyon-bilyong piso na rin aniya ang nawala sa gamefowl industry dahil sa pandemya kabilang na ang feeds industry at veterinary products sector. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.