Abante Tonite Interactive

Sabong sa Tagudin puwede na rin!

0 342

Magandang araw mga klasmeyt! Sunod-sunod ang mga derby sa iba’t ibang lugar sa bansa, may mga malakihan, may maliitan din. Ang importante ay may napupuntahan tayo at napapanood, siyempre para masaya at makasali rin tayo.

Gusto ko lang ikuwento mga kasabong ‘yung pinuntahan kong 2-Hits Ulutan sa Tagudin, Ilocos Sur noong Linggo, maganda naman at may 82 fights din ang okasyon.

Pero ayon sa mga nakausap ko roon, marami pa sanang entries kung hindi nag-alisan ‘yung ibang may entry. (Dumating kasi ako tapos na ang ulutan mga alas-10:30 ng umaga), tinanong ko kung ano ang dahilan. Sabi nila nakatunog daw sila na naipamigay na ang ibang numero kahit hindi pa nauulot.

Kung totoo ito eh pangit nga naman, kasi mga klasmeyt ang premyo kasi ay sa first 10 champions, kukubra ng tig-P50k ang 1, 3, 5, 7 at 9 na nag-two wins habang ang even numbers (2, 4, 6, 8, 10) ay hahamig ng tig-P40k. Ang succeeding champions ay paghahatian ang P150,000.

Ang pagkakaalam ko, mas maraming entries sa una nilang pa-derby kasi maganda ang papremyo, pero marami raw nakatunog kaya sa sumunod na pa-derby ay nabawasan ng entries, tapos may nag-alisan pa sa mismong ulutan.

Madali namang aksyonan ‘yan. Para sa akin maganda ‘yung pasabong sa Tagudin, sana kung totoo man ito ay huwag nang maulit.

Congratulations sa SevDong GF na pag-aari ni Engr. Jonathan Manzano, isa sila sa 18 nag-champion.

***
Sa March 6-8, 2020 ilalarga ang Iloilo Gamefowl Expo 2020 sa Iloilo Convention Center.

Hanggang sa March 13, may 2-Cock Ulutan sa Balaon Aksyon Coliseum sa Balaoan, La Union.
***
Happy Birthday po sa mga kasabong natin na magdidiwang ngayong Pebrero 14 at Happy Valentine’s Day sa inyo mga klasmeyt.