Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabrina , Katrina dumaan sa dagok

0 76

NI: Nonie V. Nicasio

Sina Sabrina M at Katrina Paula ay kabilang sa mga sexy star na nagsabog ng alindog sa maraming barako noong Dekada 90.

Madalas na ang tema ng kanilang mga pelikula ay pampainit sa puson ng maraming boys. Kaya naman karamihan nito ay R-18 ang ratings.

Palaban sila sa hubaran dahil ito kadalasan ang linya nila bilang aktres. Ang mga larawan nilang katakam-takam at pampagana sa opposite sex ay siguradong tumatak sa isip ng maraming boys.

Isa si Sabrina M. sa pinaka-controversial na aktres sa bansa.

Nagsimula ang kanyang career bilang model, sumali sa pageant tapos ay sumabak na siya sa showbiz noong 1983.

Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ang ‘Hayop Sa Ganda’, ‘Masahol pa sa Hayop’, ‘Karanasan: The Claudia Zobel Story’, ‘Makamandag na Bango’, ‘Totoy Mola’, ‘Siya’y Nagdadalaga’, ‘Sambahin Ang Puri Mo’, ‘Kulang ka Lang sa Lambing’, at iba pa.

Maraming pinagdaanan sa buhay ang aktres, pero ang pinakamalaking pagsubok sa lahat ay nang sumabit ang pangalan niya sa bisyo.

Pagkalipas ng dalawang taon, nakalaya ang dating sexy star matapos pumasok sa plea bargain at dahil na rin siya’y first-time offender. Si Sabrina ay inatasan na sumailalim sa six months ng counseling at mag-report sa Quezon City Drug Abuse Council.

Itinuturing ni Sabrina na aral sa kanyang pagkakamali ang pangyayaring ito sa kanyang buhay. Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga sumuporta at hindi bumitaw sa kanya sa panahon ng unos.

Higit sa lahat, pinasalamat ni Sabrina ang tatlo niyang anak: “Maraming salamat sa 3 mga anak ko na kahit minsan hindi nila ikinahiya ang nangyari sa buhay ko,” saad niya sa kanyang FB post.

Si Katrina ay siksik din sa highlight, ang life story.

Taong 1998 nang siya ay naengganyong subukan ang kinang ng showbiz. Unang pelikula niya ay ang ‘Ako Lang sa Langit’. Ang launching movie naman niya ay ‘Sa Iyo ang Sarap, Akin ang Hirap’.

Ang iba pa niyang pelikula ay ‘Ang Kilabot at si Miss Pakipot’, ‘Love and Desire’, ‘Selda 14’, ‘Mga Babaeng Makasalanan’, ‘Tuloy Bukas ang Pinto’, ‘Strip Show’, ‘Indayog sa Gabi’, ‘Akin ka Ngayong Gabi’, ‘Wanted GRO’.

Mapangahas at palaban si Katrina sa mga papel na ginampanan sa showbiz. Sa tunay na buhay ay ganoon din ang aktres. Lingid sa marami, nang pumasok siya sa showbiz ay may anak na ang aktres.

Isa sa dagok na naranasan niya sa buhay ay nang paslangin ang kanyang mister, ang businessman na si Anthony Yap sa harap ng kanilang bahay noong December 2008.

Sa kabila nito, tuloy ang ikot ng mundo ni Katrina at mas nag-focus siya sa pagtataguyod sa mga anak.

Tinanghal din siyang 3rd runner up sa Mrs. Queen VOAA (Voice Of An Angel) na ginanap sa Japan. Paminsan-minsan ay sumasabak pa rin sa pag-arte si Katrina.

Masaya siya ngayon sa piling ng kanyang mga anak at sa pangangalaga sa kanyang negosyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.