Abante Tonite Interactive

Sabungero dumagsa sa Eric & Bornok 1-cock

334

Sangkaterbang sultada muli ang nakalinya sa pinagsamang Eric and Bornok Fastest Win One-Cock Ulutan at Pitmasters Live ngayon, (Sabado, Enero 11) sa fully air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Garantisado ang premyong P50,000 habang P550 ang entry fee sa pasabong ng Eric and Bornok group na nag-imbita ng higit 100 sabungero.

Alas-nuwebe nang umaga ang umpisa ng mga sultada, samantalang sa Pitmasters Live ay alas-dos nang hapon.

Sa nasabing sabungan din ang Kaibigan ng Las Piñas 3-Cock Derby nina Eddie at Atty. Jerome Alejandro na nakatakda sa January 28.

Inaasahan ang 50 entries dito dahil sa mababang entry fee na P5,500 lang.

Makababatid ng iba pang mga detalye kina Grace 1 sa 8873 1040 at 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455, at Julius 0915 3582 076. (Enjel Manato)