Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabungero maginoo kahit talo

0 290

Maginoong laban ang sabong kaya dapat tanggapin ninuman ang pagkatalo.

Kahit ang isang kampeon nararanasan ding matalo, at ayon sa ilang sabungero hindi masarap ang panalo kapag hindi nakatikim ng talo.

Halos lahat ng kampeon ay marunong tumanggap ng pagkatalo sa laban kaya mas lalong gumagaling ang kanilang mga manok. Napag-aaralan nila kung ano ang kulang sa kanilang warriors.

Ayon sa isang backyard breeder ng Tarlac na si Patrick Cordero ginagawa niyang inspirasyon ang kanyang pagkatalo upang malaman kung ano ang dapat gawin upang mas maging mahusay ang kanyang mga manok.

“Makikita mo naman sa laban, minsan sadyang magaling lang ang kalaban pero sa mga pahirapan na bakbakan ay makikita mo ang kulang sa manok mo tulad ng resistensya, kapag naupos agad ibig sabihin kulang sa kondisyon.” kuwento ni Cordero.

Kaya huwag magalit kapag natalo sa laban, alamin dapat kung ano ang pagkukulang ng iyong tinali. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.