Abante Tonite Interactive

Sabungero naloko ulit

585

Wala talagang kadala-dala ang mga ­klasmeyt natin, ilang beses ko na sinasabi na huwag ­magtitiwala sa mga katransaksyon kung hindi mo naman kilala at nakikita pa ng personal, hindi ko na babanggitin ang pangalan niya para hindi naman magmukhang tanga pa lalo.

Masugid siyang nagbabasa ng Dalusapi, nabasa ko komento niya sa Facebook na naloko na naman siya, nagpadala ng pera pero hindi naman niya nakuha ‘yung manok, hindi ko alam kung totoo o mema lang pero nakikita ko sa komento na galit na galit itong klasmeyt natin.

Matuto ka na sana, ako ang nanghihinayang sa pera kasi pinaghirapan mo ‘yan, bibili ka na lang din ng mahal eh ‘di doon sa kilala na, ‘yung halaga ng pinandugas mo eh presyo na rin ng ibang bigtime breeders na nagsi-share ng kanilang warriors, sa susunod i-PM mo ako kung bibili ka at irerekomenda kita.
***
Para sa mga feeling bigtime, huwag magmataas sa mga kapwa mo sabungero na kakilala mo at lalo na kaibigan mo, hindi porke madalas ka maglaban at malaki ang pusta mo eh hindi nangangahulugan na mas magaling ka na sa kasama mo na bihira lang maglaban.

May nadaanan ako na grupo ng mga sabungero na nagkakantiyawan at nauwi pa sa pikunan, dahil sa sobra magpa-ikot ‘yung isang sabungero,
ipinagmamalaki nito na madalas siyang maglaban at hindi niya pinagsasalita ‘yung kausap niya dahil isang beses lang daw itong maglaban sa isang buwan.

Huwag ganoon mga klasmeyt, dapat sa ­sabong nagtutulungan, magbigay ng kanya-kanyang ­komento o istilo ng pag-aalaga para mas malaki ang tsansang manalo huwag magpagalingan.
***
Sa Linggo may laban ang mga tropa ­nating sabungero sa Tagudin, Ilocos Sur, sana ­mag-champion kayo, Good Luck!