Abante Tonite Interactive

Sabungero, sana’y sa basaan

499

Mga klasmeyt salamat sa mga nagpi-PM sa akin kahit paano may nababasa ako mula sa mga kapwa natin sabungero.

Nakakatuwa naman ‘yung sinabi ni Carlos Pantig na galit siya sa mga ibang kasabong natin na matitigas ang ulo.

Pinapatungkulan niya iyong mga nabalita sa nakaraang mga araw na may mga nagpasabong at nagtupada kahit alam nilang nasa ilalim tayo ngayon sa Enhance Community Quarantine upang laban ang coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic.

Talaga namang pasaway sila.

Sana sumunod na lang tayo sa gobyerno, huwag na sanang dumagdag sa malaking problemang dumating sa atin ang mga ginagawa nila bukod sa kinakaharap na nga nating lahat na COVID-19.

Kaya sana magsama-sama tayong mga sabungero na puksain at labanan ang coronavirus!

Magagawa natin ito kung mananatili tayo sa loob ng ating tahanan.

Alam kong matitibay ang mga sabungero at sanay tayo sa basaan hindi basta bumibigay. Ingat po mga kasabong.

Hanggang sa susunod na Biyernes po.

Tonite – Wendys Inhouse Ad