Abante Tonite Interactive

Sabungero tumulong sa kasabong

By
852

Mga klasmeyt, nakakataba ng puso ang ginawa ng mga kapwa natin sabungero.

May tatay na sabungerong humingi ng tulong sa isang website ng mga manok para sa operasyon ng kanyang anak.

Hindi nagdalawang-isip ang mga kasabong natin, pinagsama-sama ang kanilang tulong at saka ibinigay sa kasabong natin na nangangailangan.

Abante Hiring – IT dep

Kahapon, nag-post si kasabong natin at naoperahan na ang anak niya na malapit na rin daw umuwi.

GOD Bless sa lahat ng mga tumulong at sana’y gumaling agad ang anak ni Kuya.

Ganyan sana tayo palagi mga kasabong, kapag may nangaila­ngan ng tulong, kahit hindi kasabong ay huwag tayong magdalawang­-isip na tumulong. Ang maliit, kapag pinagsama ay malaki rin ‘yan.

***

Isa pang ikinatuwa ko mga klasmeyt dahil nakausap natin ang isa sa magaling na artista at magandang mukha sa showbiz na si Andrea Del Rosario.

Mahilig din sa manok at sa katunayan ay may farm sila ng kanyang partner na sumasali sa malalaking derby at international. AG Polo ang kanilang entry.

Kasalukuyang vice mayor si Andrea Del Rosario sa Calatagan, Batangas.

Marami silang alaga pero may isa siyang gustong subukan, ang magbitaw ng manok niya sa ruweda. Uy maganda yan ah, tapos ang kalaban niya ang Reyna ng Sabong na si Osang Dela Cruz.

***

Congratulations sa mga sumabak sa 2018 Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia.

Napanood natin ‘yung kababayan na­ting talagang ibinigay ang lahat para manalo.

May mga kinapos pero taas-noo silang babalik sa Pilipinas dahil sa ipinakitang performance.