Abante Tonite Interactive

Sabungerong doc

395

Greetings sa lahat ng TONITE readers.

Tawagin mo na lang akong Kris, nakatira dito sa Baesa, Quezon City.

Naengganyo akong mag-email dahil na rin sa kapitbahay ko na kumpare ko.

Mabait at takbuhan siya ng mga may sakit – doktor kasi si kumpare.

Komo kapitbahay, malaki ang discount sa doctor’s fee. Kung minsan nga ay gumagaling agad ang may sakit na ka-subdivision namin dahil sa libreng consultation fee.

Ang problema lang kay kumpare ay ang mga ­alaga niyang manok sa bakanteng lote na nasa gitna namin. Kung tumilaok ay parang napakasarap nilang ­gilitan at i-tinola dahil masakit sila sa tenga.

Umagang-umaga pa lang ay makikita mong isa-isa na silang hinihimas ni kumpareng ‘Doc Mclean’. (Ang mister ko ang nagbansag sa kanya nito dahil may panabong daw siyang Mclean.)

Bukod sa mga pasyente, kadalasan din nitong bisita ay mga astang asensista, cazador, kristo at contra barata.

Pati mister ko ay inaaya niya sa sabungan kaya pati ako’y ‘napapasabong’ na rin minsan.
Malayo sa propesyon ni doc ang hilig nito sa panabong na manok. Minsan tuloy ay naiisip kong hindi kaya mga gamot o pagkain ng manok ang naririseta niya minsan sa kanyang mga pasyente?

Nancy ng Quezon City

***

Kung kayo ay may kapitbahay na may kahanga-hanga, nakakatuwa, nakakaa­sar o kapana-panabik na kuwento na gusto ninyong i-share dito ay sumulat na agad o mag-email sa ‘Kapitbahay mo, i-blind item mo!’ E-mail: kapitbahay.tonite@gmail.com.