Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabwatan ng mga power plant kakalkalin

0 207

Hiningi ng Department of Energy (DOE) ang tulong ng Department of Justice (DOJ) at Philippine Competition Commission (PCC) para imbestigahan ang hinihinalang sabwatan ng mga planta ng kuryente na sabay-sabay hindi nakapag-supply dahilan para makaranas ng power shortage sa Luzon.

Sa pagdinig ng House committee on energy, tinanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung seryoso ang DOE na sampahan ng kaso ang mga planta ng kuryente.

“DOE mentioned about economic sabotage raps to be filed against power utilities seryoso ba kayo dito?” tanong ni Castro.

Sagot naman ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan, humingi na sila ng tulong sa DOE at PCC para sa isasagawang imbestigasyon.

“We are still in the process of collating information and we have not yet identified which particular generating companies are to be subjected po so nasa process of document preparation po kami,” sabi ni Marasigan.

Sinabi naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga mambabatas na apat na malalaking planta ng kuryente ang sabay-sabay na nagkaroon ng problema kaya nagkaroon ng rotational brownout.

Umaabot umano sa 2,000 Megawatt ng kuryente ang ginagawa ng mga plantang ito.

“But it doesn’t mean that we do not have the capacity, we have the capacity but unfortunately bumagsak nga lang po `yong planta,” giit ni Cusi.

“Para lang pong hindi nagsabay-sabay ang hindi magandang pangyayari… dahil nga po masyadong mainit ang panahon tumaas ng bigla ang demand sumabay ng bagsak yung mga planta po,” wika pa ng kalihim. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.