Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabwatan sa Bilibid eskapo pinakakalkal

0 172

Hiniling ni Senador Leila de Lima sa pamahalaan na imbestigahan ang napaulat na pagtakas ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prison (NBP) nitong Lunes.

Kailangan aniyang matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) o ‘di kaya’y sabwatan sa pagitan ng PDLs at ng awtoridad.

“Ano ba naman itong sunod-sunod na gulo at kababalaghan na nangyayari sa mga bilangguan? Wala pang isang buwan ang nakalipas magmula nang may maiulat na insidente ng karahasan na ikinamatay ng ilang PDLs sa Bilibid at Caloocan City Jail, heto at may panibagong kontrobersiya na naman sa NBP,” sabi ng mambabatas.

“Authorities must look at all angles that led to the escape of three PDLs, and eventually the demise of two of them. May kapabayaan ba o sabwatan? Bakit nagkaroon sila ng armas, na naglagay din ng malubhang peligro sa publiko?” dagdag niya.

Samantala, nadagdagan pa ng isang preso ang pinaghahanap ngayon ng BuCor matapos na malaman na apat ang nakatakas sa Bilibid imbes na tatlo lang na naunang naiulat.

SM food to go Banner Ad

Ilang oras matapos ang pagtakas bandang ala-1:30 ng madaling-araw, kamakalawa, sa NBP Maximum Security Compound matapos lagariin ang window grill na gawa sa bakal, napatay ang dalawa sa mga bilanggo na nakilalang sina Pacifico Adlawan at Arwin Bio, matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad.

Pinaghahanap pa rin ang isang tumakas na si Drakilou Falcon.

Samantala, ayon kay BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag, kinilala ang ikaapat na preso na si Chris Ablas, may kasong robbery with homicide.

“Please be informed that one more PDL identified as PDL Chris Candas Ablas of Dorm 8C-2 was reported missing up to present with possibility as the 4th and unidentified escapee who was involved in the prison escape incident.”

Sabi ni De Lima, dating Justice Secretary, ang insidente ay dapat magsilbing ‘wake-up call’ sa gobyerno para higpitan ang seguridad at magkaroon ng reporma sa prison at correction system sa bansa. (Dindo Matining/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.