Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sabwatan sa vaccine smuggling pinakalkal

0 175

Pinaiimbestigahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Department of Justice (DOJ) National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa likod ng smuggling ng mga hindi awtorisadong bakuna kontra COVID na gawa umano sa China na tinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nais ng kongresista na itutok ang imbestigasyon sa pagtukoy ng smuggler at sa kasabwat nito sa Bureau of Customs (BOC) na dahilan para makapasok sa bansa ang hindi rehistradong bakuna.

“If the DOJ and the NBI won’t probe and determine the real circumstances behind the illegal importation of the vaccines, malamang ay merong mga tao na kumita ng limpak limpak na salapi at naloko ang ating mamamayan at pamahalaan sa gitna ng pandemya na ating kinakaharap ngayon,” ayon kay Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.