Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sachzna 1M na ang YT subscribers

0 166

NI: ROLDAN CASTRO

Ibang klase talaga ang karisma ni Sachzna Laparan sa social media. Tunay siyang influencer sa larangang ito.

Bongga siya dahil sa dalawang buwan lang niya sa Youtube at konting video na in-upload ay may 1M na siyang subscribers.

Bihira ang nakakagawa ng ganito na mabilis umakyat ang followers sa YouTube channel.

“Hindi ko talaga ini-expect na mag 1 million subscribers po ako in 2 months.Sobrang saya ng puso ko. Kaya sobrang pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa akin,” deklara ni Sachzna.

Ang biyayang nakukuha ni Sachzna sa social media ay sini-share din niya sa mga nangangailangan ng tulong.
Kamakailan ay Nag-ayuda siya ng Frontrow products, 10 bisikleta at Multi-M Food Products.

Alam niya na marami ngayon ang apektado ng pandemya at nawalan ng trabaho kaya tumulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

Tinanong namin siya kung ano ang gagawin niyang pasabog pag naka-8M subscribers siya sa YouTube. Si ivana Alawi kasi ay nag-topless photo takip ng kamay nu’ng umabot ng 8M.

“Ah nakatakip ang kamay? Sa akin siguro walang takip takip hahaha joke. Hindi ko pa po naiisip po yun,”pakli niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.