Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sachzna, Maja sapawan

0 146

Naikuwento sa amin ng social media influencer na Sachzna Laparan na nag-uumpisa na siya sa taping ng isang serye sa TV 5. Bida pala dito si Maja Salvador.

Kakampi ba siya o kaaway ni Maja sa serye? May sapawan bang mangyayari? Siguradong hindi rin magpapakabog si Sachzna sa mga eksena nila, huh!

Ibig sabihin lang tinupad ang seryeng pinangako kay Maja kahit wala na ang SNL. Pero per project lang daw naman ang kontrata niya sey ng aming source

So, posible pa rin na pagkatapos nito ay gumawa pa rin siya ng project sa ibang network gaya ng GMA 7.

Aktor, politician nagdi-date pa rin

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hanggang ngayon pala ay nagkikita pa rin ang aktor at ang Actor B /politician. Akala namin matagal na silang wala pero hindi pala naputol ang kanilang komunikasyon.

Kuwento ng source, tuwing kaarawan daw ni aktor ay magkasama sila sa isang dinner date. Wala raw yun palya kada taon. Hindi na lang daw pinapakuhanan ng picture. In fairness tahimik lang si aktor, ha. Wala naman kumpirmasyon sa showbiz kung totoo ito pero ang alam namin matagal na rin silang natsitsimis . Pinapalabas nila ay magkaibigan lang daw ang kanilang turingan.

Donny balik-Kapamilya

Isa sa mapalad na nakabalik sa bakuran ng ABS CBN ay si Donny Pangilinan. Kamakailan lang pumirma muli siya ng kontrata kaya naman masaya ang kanyang mga fan. Bago pa naman kasi mawala ang SNL sa ere nagpaalam na siya. ‘Yun ang kinaganda nu’n. Hindi pwedeng sabihin na natsugi lang ang show sa TV 5 ay saka lang siya bumalik.

Leave A Reply

Your email address will not be published.