Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sachzna pinagbintangan sa hiwalayang Jerome-Mika

0 2,572

ROMMEL PLACENTE:Sa pagbati ni Jerome Ponce ng happy birthday kay Sachzna Laparan, noong May 27, tinawag niya itong Nassib, na ang ibig sabihin ay destiny.

Malinaw na kumpirmasyon ito na may relasyon na ang dalawa.

Finally after ng iskup natin sa relasyon nila, pinatotohanan naman ng aktor.

Kung marami ang natuwa na mga kasamahan nila sa showbiz na naging sila,marami rin naman ang bumatikos sa kanila. Puro paninira talaga ang natatanggap nila sa kanilang mga basher na hindi tanggap ang kanilang relasyon.

Pinaratangan pa si Sachzna na dahilan umano ng hiwalayan nina Jerome at Mika Reyes.Ang dalaga raw ang third party involve Naku mga ka-Cuatros,hindi ako naniniwala.Hindi ganoon ang pagkakakilala natin sa kanya di ba? Hindi niya magagawang manira ng relasyon.

Sabi naman ng isang netizen kay Jerome,”ito yung sobrang feelingero na sosyal,” Sabi naman ng isa pa sa binata,”Jerome Ponce,yung creepy maging bf.”

RODEL FERNANDO: Hindi rin ako naniniwala sa bintang na si Sachzna ang dahilan ng paghihiwalay nina Jerome at dating girlfriend. Marahil, hindi na sila masaya sa isa’t-isa at need na magwakas ang kanilang relasyon. For sure naman ay pinag-isipan ng sikat na social media influencer bago siya nakipagrelasyon kay Jerome. Kumbaga, maayos ang lahat.

Ganoon naman talaga at hindi maiiwasan na may mga magnenega sa kanilang relasyon. Kabagu-bago palang nila ay gusto na yata silang paghiwalayan agad.

Basta, patunayan nitong si Jerome na kaya niyang ipaglaban at mahalin ng totoo ang anak-anakan natin. At saka dapat pagandahin din niya ang kanyang career dahil si Sachzna ay blooming ang karera. Mas maganda kasi sabay silang umangat sa lahat ng bagay.

MILDRED A. BACUD:Wala pa si Saczhna sa buhay ni Jerome Ponce nagkakaproblema na talaga ang relasyon ng aktor kay Mika Reyes. Huwag naman sabihin na siya ang third party. Naaawa rin ako kay Saczhna lalo na ng mabasa ko ang mga bash sa kanya.

Kung magkaroon sila ng relasyon ni Jerome, wala namang masama kasi pareho silang single. Kilala kasi natin personally si Saczhna mga ka-Cuatros kaya alam natin na hindi totoo ang ibang bash sa kanya. Magpakatatag na lang siya.

Napanood ko ang vlog ni Saczhna kung saan guest niya si Jerome. Makikita sa tinginan ng dalawa na inlovey sila. Isang araw pa lang ang vlog na yun pero 367k na ang views. Ibig sabihin marami rin ang interesado sa kanila. ‘Yun lang sa comment section maraming fans ng team JoSa ang dismayado.

Sa mga basher ni Saczhna, wag din naman siyang maliitin at ikinukumpara kay Mika. May kanya-kanya naman silang personalidad. Both are social media influencers. Sachzna na may 1.98m subscribers at si Mika na may 91k subscribers sa YouTube.

ROLDAN CASTRO: Basta gaya ng parents ni Sachzna na suportado ang anak sa kaligayahan niya, team JeSa na rin ako. Ilang taon din na single ang aktres at dapat lang na maging masaya siya.

Keber sa mga epal diyan at intrigero. Ang importante masaya siya at walang tinatapakan.

Pitong buwan din na single si Jerome bago nagka-girlfriend ulit. Hindi lang masyadong nabalita ang hiwalayan nila ni Mika.

Walang nangyari na nag-overlap sina Sachzna at Mika.

Klaro!

Leave A Reply

Your email address will not be published.