Abante Tonite Interactive

Sachzna walang dungis ang kutis

416

Bagay na bagay ang lyrics ng kantang ‘Miss Flawless’ ni Lito Camo kay Sachzna Laparan.

Walang dungis ang kanyang kutis. Mga kalalakihan ay nanggigigil sa kanya. Hayop din ang kanyang kagandahan.

Ang sobrang k­akinisan niya ay hindi mahahawakan kundi tititigan lang.
Actually sa pagka-flawless ni Sachzna b­agay niyang i-revive ang kantang Miss Flawless lalo’t isa siyang youtube sensation at dyosa ng Luxxe White ng Frontrow.

Kilala rin siyang Most Influential Women In Malaysia at Social Media Darling.

Nakasama namin si Sachzna sa bonding at food trip nung Sunday sa Angeles City with Direk RS Francisco, Chicser at ilang kaibigan sa press. Marami sa mga millennial ang nakakakilala sa kanya at nagpapa-picture. Grabe ang karisma niya.

May nakatakda pa siyang pelikula na gagawin na bida siya. Kailangan ang matinding workshop dahil siguradong malaki ang expectation sa kanya sa pagre-remake ng naturang movie. (Roldan Castro)