Abante Tonite Interactive

Sadyang naloko na!

By
212

Naloko na nga. Kaka-rollback lang ng presyo ng langis ng halos dalawang piso ang isang litro sa ilang gasolinahan, heto naman ang bad news.

Ang bad news ay ina­prubahan ng LTFRB ang kahilingan ng mga tsuper-operators orgs na magpataw na ng p2 fare increase!

Bale ang siste nito ay magiging P10 na ang minimum fare sa mga jeepney at maging sa mga trike nyan at mga bus na tyak makikisakay din sa fare increase.

Maryosep! Eh, pwede pa bang bawiin yan ng LTFRB sa gitna ng pagbaba ng presyo ng mga langis? Ang sagot ay hindi. Ganyan din yan sa mga presyo ng mga pangunahing bilihin na kapag tumaas ang presyo ni langis aba’y nariyan din agad ang price adjustment.

Oligopoly ang tawag diyan. Ika nga, he who controls oil prices, controls all other prices of all things in the world. Yan magpahanggang sa presyo ng sinulid at toothpick.

Kasi ang lahat ay nakasalalay sa presyo ng langis dahil ang lahat nyan ay may makinang gamit. Mismong delivery truck ng mga yan ay may gatong na gasolina o diesel.

Ngunit paano na nga ang price adjustment sa pamasahe? Di ba’t nararapat ding may adjustment pababa. Saganang atin, may magagawa pa ang LTFRB.

Ang isa rito ay isuspende muna ang implementation ng inaprubahan nitong P2 fare hike hanggang maklaro na ang kalagayan ng international prices ng langis. To God be the glory!