Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SAF, 3 sibilyan nadale ng bomba sa Sorsogon

0 26

Sugatan ang tatlong sibilyan at isang miyembro ng Special Action Force (SAF) matapos na pasabugan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sasakyan ng mga pulis sa Barangay Putiao, Pilar, Sorsogon, kahapon.

Kinilala ang sugatang pulis na si P/Cpl. Jeffrey Enconge Putian, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong sibilyan na natamaan ng ligaw na bala sa palitan ng putok ng dalawang grupo.

Naganap ang insidente alas-7:30 ng umaga habang lulan ng truck ang 11 miyembro ng 92ND Special Action Company (SAC) nang dalawang beses na pasabugan ng mga rebelde sabay atake sa mga pulis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagama’t naunahan ay nakuhang makarekober ng mga pulis at nakipagpalitan ng putok sa hindi pa batid na bilang ng mga rebelde.

Matapos ang bakbakan ay umurong na ang mga rebelde na patuloy na tinutugis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.