Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SAF Trooper umawat sa riot, tinigok

0 108

PATAY ang isang miyembro ng Philippine National Police matapos siyang kuyugin at bugbugin ng tatlong lalaki habang umaawat sa gulo sa bayan ng Mapandan, Pangasinan, Biyernes ng hating gabi.

Kinilala ng Mapandan Police Station (MPS) ang biktima na si Pat. Robert de Vera Jr., 29, miyembro ng PNP-Special Action Force na nakabase sa Masbate, Samar, ng Barangay Luyan, Mapandan.

Sa inisyal na report ng MPS, naganap ang insidente alas-12:10 ng hating gabi sa peryahan ng nasabing barangay.

Ayon kay MPS commander P/Lt. Jesus Flores, kumakain De Vera kasama ang kaibigan sa tapat ng peryahan nang mapansin ang kaguluhan sa loob ng peryahan.

Bilang alagad ng batas, hindi natiis ng biktima na umawat sa gulo ng dalawang grupo at nagpakilala siyang pulis.

Binalewala ng mga suspek ang biktima at sa halip, siya pa ang pinagbalingan ng mga ito at pinagtulungang bugbugin saka mabilis na tumakas.

Agad na dinala sa ospital ang pulis ngunit siya ay dead-on-arrival na.

Nabatid na umuwi lamang sa kanilang lugar si De Vera mula sa Masbate para bisitahin ang kanyang pamilya. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.