Abante Tonite Interactive

Safety standard sa tv, radyo ilalatag

255

Plano ng Occupational Safety and Health Center (OSHC) na magkaroon ng sariling work safety standard para sa broadcast industry.

Inihayag ni OSHC Executive Director Noel Binag na kanilang pupulungin ang Broadcast Industry Tripartite Council para mapag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa entertainment, television, at radio industry.

Sinabi ni Binag na kailangang magkaroon ng guidelines ang broadcast industry dahil sa hazard level ng trabaho dito.

Pinaliwanag ni Binag na may ‘psychological hazard’ ang trabaho­ sa broadcast industry dahil 24/7 minsan ang trabaho dito.

“Day and night, you are on call. They are assigned to a very hazardous place sometimes. So I consider the broadcast industry as highly ha­zardous activity,” ani Binag.

Nilinaw din ni Binag na ang naturang plano na bumuo ng work safety standard para sa broadcast industry ay kanila nang pinag-iisipan bago pa man naaksidente ang bete­ranong aktor na si Eddie Garcia sa taping ng isang teleserye na humantong sa pagpanaw nito.

“This was not triggered by anything. (This was conceptualized) a few months back,” ani Binag.

Ang OSHC ay isang ahensya na nasa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE). (PNA)