Abante Tonite Interactive

Sagabal sa bangketa, daanan ng tao binakbak sa Baclaran

333

Muling nagsagawa ng clearing operation ang City Environment Natural Resources Office (CENRO) ng Lungsod Pasay sa mga stall na sagabal sa bangketa at daanan ng tao sa ilalim ng Light Rail Transit (LRT) bahagi ng Bacla­ran, Barangay 145, Santo Niño, Pasay City kahapon.

Alas-nuwebe nang umaga nang pagtulungang gibain ng mga tauhan ng CENRO at lokal na pamahalaan ang may 175 na stall o tindahang nasa gitna ng mga kalsada na daanan ng mga tao.

Nang umpisahang gibain ng demolition team ay nagkusa naman ang ilang may-ari ng mga stall na sila na ang gumiba ng kanilang mga tindahan bagama’t ang ilan ay tumutol dahil ilang taon na ring nagtitinda sa nasabing lugar.

Wala namang nasaktan sa ginawang clearing operation kung saan umaasa ang iba na bibigyan sila ng ibang lugar ng pamahalaang lolal para patuloy na makapaghanapbuhay. (Armida Rico)