Abante Tonite Interactive

Sagabal sa mga kalye tapusin na!

0 235

Jeane Lacorte

Maliit na bayan ang Taytay na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal dahil sa 2015 census ay naitala lamang sa 319,104 ang mga residente dito.

Pero alam n’yo bang kahit maliit lamang ang bayang ito ay malaki ang potensiyal na maging maunlad katulad ng Makati City at Quezon City.

Sa ngayon kasi ay dinadayo na ang bayang ito dahil sa murang mga paninda katulad ng mga damit.

Sa katunayan ma­ging ang mga maliliit at malalaking mga negosyante ay nagpupunta na rin dito para mamili ng kanilang mga paninda.

Kaya maari na itong ihilera sa Baclaran at Divisoria bilang paboritong destinasyon ng ating kababayang naghahanap ng mura pero usong mga kasuotan.

Kung patuloy na magiging tahimik at mababa ang presyo ng mga paninda sa mga puwesto sa Taytay ay hindi malayong maungusan nito sa padamihan ng customer ang Baclaran at Divisoria.

Related Posts

Kaya sana ay ipagpatuloy ng pamahalaang local ang pagpapaganda at pagbabantay sa mga pamilihan sa Taytay para hindi mapasok ng mga manlolokong mga negosyante at masasamang-loob.

Maliban sa murang bilihin ng mga damit at iba pa ay paborito na rin itong destinasyon sa ngayon ng mga turista.

Marami na itong ipinagmamalaking mga pasyalan at take note napakalapit pa sa Metro Manila kaya malaking kabawasan sa oras ng biyahe at sa trapiko.

***
Speaking of trapiko, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) 50 porsi­yento ang mababawas sa volume ng traffic sa Metro Manila nga­yong Semana Santa.

Ito ayon sa MMDA ay dahil marami na tayong mga kababa­yan ang uuwi na sa kanilang mga lalawigan para doon gunitain ang Mahal na Araw.

Ibig sabihin, masaya ang mga motoristang maiiwan sa Metro Manila nga­yong Holy Week dahil walang pagsisikip sa trapikong mararanasan.

Puwede bang humirit sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at ilang pribadong sektor na nakakontrata sa gobyerno na samantalahin ang pagkakataong ito para gawin ang ilang nakabinbing mga proyekto upang pagbalik ng mga nagbakasyon sa probinsya ay wala nang sagabal sa mga kalsada na lalong nagdudulot ng hebigat na trapiko.

Partikular nating tinutukoy ay ang mga pagkukumpuni sa linya ng tubig na ginagawa ng Maynilad sa mga panguna­hing kalsada sa Metro Manila.