Abante Tonite Interactive

Sagabal sa right of way

0 305

Dear Atty. Claire.

Magandang araw po. Hihingi sana ako ng payo tungkol sa road lot/alley/right of way.

Ang bahay ng ­pinsan ko ay nasa harapan at nasa looban naman ang bahay ko. Ang pro­blema ko ay ginagawa na nilang tambakan ng mga gamit ang road lot/alley/right of way namin.

Masyado na po sagabal ang mga ginagawa nila sa road lot/alley/right of way na ­pa­punta sa bahay namin sa­ ­looban.

Ang gusto ko lamang po ay magkaroon kami ng daanan para makalabas at makapasok ng mabilis papunta sa bahay namin nang walang mga sagabal o obstruction.

May titulo po ang road lot/alley/right of way na ito na nakapangalan sa akin at sa pinsan ko.

Malinaw ang nakasaad sa titulo na “The property described in this Title is a Road Lot/Alley and the same shall not be closed without the approval of the Court.”

Ano po ba ang tamang sasabihin ko sa pinsan ko para maluwag sa dibdib niyang maalis at matanggal ang mga sagabal na nakatambak na gamit nila sa right of way namin?

Lubos po akong umaasa sa inyong payo.
Martin

Dear Mr. Martin,

Unang-una, dapat na talagang makausap mo siya para malaman niya na may reklamo ka sa pagtatambak na ginagawa ng pinsan mo. Dahil hindi mo pa pinahahatid sa kanya ang reklamong nasasagabal na ang mga nasa looban kaya’t patuloy siyang nagta­tambak sa right of way sa pag-aakalang ayos lang ang lahat.

Mas mainam na imbitahin mo muna siyang magkape. Nakakatawa ito pero ito ang mas epektibong paraan para hindi agad magsalubong ang init ng ulo ninyo.

Kapag pumayag siya ay sabihin mo kung maaari niyang tanggalin ang tambak sa right of way at gawing maaliwalas ang daanan ng tao dahil kailangan ito lalo na kung may emergency kaya’t hindi dapat nahaharangan ang daanan ng mga tao sa looban. Sabihin mo rin na tutulong kang maglinis ng tambak.

Kapag hindi puma­yag ay maaari ka nang dumulog sa barangay na siyang unang hakbang kung halimba­wang magmamatigas ang pinsan mo. Sa pagdulog sa barangay ay malalaman niyang seryoso ang iyong hiling na malinis ang alley.
Kung hindi pa rin kikilos ang pinsan mo ay kumuha ka na ng barangay certificate to file action at magsampa ka ng reklamo sa korte tungkol sa pagpapaalis ng sagabal sa alley dahil ito ay isang at maaari ka nang humingi ng danyos dahil sa istorbong ginagawa niya.

***
Kung may katanungan pa ay ­tumawag lamang sa 8410-7624 o 8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.