Abante Tonite Interactive

Sagad Natin!

353

Winner-take-all pupuwersahin ni June Mar, SMB

By Vladi Eduarte

Breaks ng laro, at hindi kagandahang execution sa dulo ang nakikita ni coach Leo Austria na dahilan ng talo ng San Miguel Beer sa Magnolia noong Biyernes.

Hindi raw naapektuhan ang Beermen ng biglang eksena ng lalaking naka-costume ng Spider-Man na nagtatakbo sa court ng Smart Araneta Coliseum higit 3 minutes pa sa laro.

Natigil ng ilang minuto ang laro, pero punto ni Austria ay nagawa pang lumamang ng kanyang team nang ituloy.

Minalas lang daw ang Beermen dahil sa last two possessions ay hindi naka-execute.

“It’s very evident, our shot selection is very poor because imagine, it’s hard to win if you are shooting 29 percent against 40 of Magnolia,” paliwanag ng six-time champion coach.

Mula sa field ay 29 of 94 lang ang Beermen, sa kabila ay 34 of 85 ang Hotshots.

Ninakawan pa sila ng tira ni Mark Barroca, pumasok ang jumper sa sulok sabay sa final buzzer at itinakas ng Hotshots ang 88-86 win.

“The breaks were not on our side. There was a lot of drama na nangyari kanina,” ani Austria.

Nanganganib matapos ang four-year reign ng San Miguel sa all-Filipino, kailangang ipanalo ang Game 6 ngayon para paypa-yan ang paghahabol sa panlimang sunod na korona.

Sakaling makahirit ng decider ang SMB, na muling pamumunuan nina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Christian Standhardinger at Terrence Romeo, ilalaro ang winner-take-all sa Miyerkoles sa Big Dome din.

“I hope na next game, we will come out with a lot pf energe because it’s a do-or-die for us,” giitnni Austria.