Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sagada hotel ika-quarantine dahil kina Piolo, Joyce

0 706

Inutusan ng local government ng Sagada sa Mountain Province na sumailalim sa mandatory 14-day quarantine ang hotel na pinuntahan nina director Joyce K. Bernal at Piolo Pascual matapos silang tumuloy sa resort town kahapon sa kabila ng pagtanggi ng local government unit.

Ayon sa Facebook page ng Sagada Municipality, tinawagan ng isang coordinator ng Malacanang Presidential Broadcast Staff-RTVM ang mayor ng sagada at ang Muncipal Disaster Risk Management Officer ng bayan para magpaalam dahil magsu-shooting sina Bernal sa Sagada para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

July 3 tumawag ang taga RTVM ngunit tumuloy pa rin sina Bernal sa pagpunta ng Sagada at nalaman na lang ng LGU na papunta na doon (July 5) sina Bernal kaya nag-emergency meeting ang local COVID-19 task force ng bayan.

Nauna rito ay tinanggihan ang grupo ng director sa Sagada Heritage Village sapagkat labag ito sa local guidelines dahil sarado pa rin dapat ang mga tourism establishments sa lugar.

Ayon sa Sagada LGU, nakiusap si Bernal na pahintulutan silang magpahinga sa Cellar Door ng isang gabi para maseguro ang kanilang biyahe pabalik ng Maynila kinabukasan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.