Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sagada trip hindi para kay Duterte: Loyal ako sa ABS-CBN – Piolo Pascual

0 583

Giniit ni Piolo Lascual na nananatili ang kanyang katapatan sa ABS-CBN network, sa kabila ng pagpayag maging parte ng shoot para sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement ng Kapamilya actor, sinabi nito na loyal siya sa kanyang network, at nilinaw na hindi umano niya kilala ng personal si Duterte at ayaw din makisawsaw sa politika.

“My loyalty has been with ABS-CBN since I was born in this business,” saad ni Piolo. “My trip to Sagada had nothing to do with the government.”

Gayunpaman, kinumpirma naman na batid niyang shoot para sa SONA ng Pangulo ang kanilang pinunta sa Sagada, kasama sina Direk Joyce Bernal at kaiban niyang si Illac Diaz.

Matatandaan na hinarang ang grupo nila Piolo sa Sagada para makapag-shoot, na kanyang dinepensa na binigyan umano sila ng verbal approval ng mayor ng lugar, ngunit bigla umano itong binawi ng kausapin si Direk Joyce ng Sangguniang Bayan.

Sunod sa Sagada ay nagtungo naman sila sa Banaw, kung saan nakiusap naman sila sa gobernador kung pwedeng mag-shoot, ngunit tinanggihan din dahil may mga aktibong COVID-19 case sa lugar.

Sinabi pa ni Piolo na nagpa-rapid test sila bago bumiyahe patungo sa mga nasabing lugar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.