Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Saging con shabu’ bistado

0 40

Dati, saging lang ang may puso. Ngayon, ang saging ay may droga na rin.

Ito ang tumambad sa mga awtoridad sa Davao City Jail-Annex kung saan nakita ang limang pakete ng shabu na nasa loob ng mga saging na ipapasok sana sa bilangguan.

Giit ng mga taga-Bureau of Jail Management and Penology, hindi kailanman makalulusot sa kanila ang mga droga na isinisilid sa kung saan, lalo na sa pagkain, dahil dumadaan ang mga ito sa search area.

Aabot sa tatlong gramo ng shabu o nagkakahalaga ng P45,000 ang nasamsam sa nasabing prutas pasado alas-tres ng hapon nitong Miyerkoles, Enero 12.

Samantala, hindi nahuli ang suspek dahil naiwan lang ang saging sa labas ng Davao City Jail-Annex na inakala nila na para naman sa bilanggo sa loob ng pasilidad.

Patuloy ang imbestigasyon sa kung sino ang nagdala at kung para kanino ang saging. (Kiko Cueto/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.