Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sagot ang tatay: Sharon hiningi itlog ni KC

0 637

NI: VINIA VIVAR

Para sa nalalapit na kaarawan (April 7) ni KC Concepcion, binati na siya ng kanyang inang si Sharon Cuneta kahapon dahil Easter Sunday din daw niya kasi ipinanganak ang kanyang panganay.

“On Easter Sunday the year I turned 19, I became a mother for the first time to a princess we named Maria Kristina Cassandra.

“Your birthday this year will fall on Wednesday, but you will forever be my Easter Baby (hence, the name Kristina, after Papa Jesus!),” ang simula ng mensahe ni Shawie kay KC na ipinost sa Instagram kasama ang larawan nila noong baby pa ito.

“I miss you and you are always in my heart, Toot. I love you very much. Advanced Happy Birthday!” pagbati pa niya.

Pero ang catch, sa huli ay diretsahan na siyang humiling ng apo kay KC. At ang mas nakakaaaliw, sinabihan din niya ang anak na i-consider ang surrogacy at hindi na raw kailangang magpakasal. Bigyan na lang daw siya ng eggs nito at siya na ang bahalang pumili ng magiging tatay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I REALLY want grandbabies! Only if you want.😁 Otherwise I will wait til your siblings start popping them out! Ang tagaaaaal naman!

“Can you consider a surrogate? I mean – just gimme your eggs and I’ll pick their poppa! Hehehe…Tutal I will kidnap all your babies! 😂

“No need to get married, just gimme your eggs cos sayang your genes!!! I’ll do all the work! Hahahaha! No pressure.🥺?!!!😂😂😂) I love you baby girl.❤️❤️❤️🙏🏻🙏🏻🙏🏻,” ang request ni Shawie kay KC.

Ang daming naaliw sa post ni Sharon at nakiusap din ang ibang netizens kay KC na pagbigyan na ang Mama nito dahil gustong-gusto na talagang magkaapo.

So far ay wala pang reaksyon si KC sa request ng Mama niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.