Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sagot ni ACT-CIS Rep Eric Yap sa DPWH kurakot: Belgica gumanti sa mga cong

0 139

Naniniwala ang isang mambabatas na dinawit sa katiwalian, na gumaganti lamang umano si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica sa mga kongresista.

Inihayag ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa panayam sa radyo na natunugan na niya galing kay Belgica ang listahan na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga mambabatas na sinasabing sangkot sa korapsyon kaya hindi na siya nagulat pa.

Sinabi ni Yap na noong Oktubre 2020 pa lang ay kanya nang hinamon si Belgica na ilabas ang pangalan ng mga kongresistang sangkot umano sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil kawawa ang institusyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“300 ang congressman, 24 ang senator, kawawa naman ang institution kung hindi niya papangalanan dahil maiisip ng tao kabuuan,” sabi ni Yap.

SM food to go Banner Ad

Nagsimula lang umano lumabas ang isyung ito dahil sa kaso ng Duty Free.

Matatandaang nireklamo si Belgica sa Office of the Ombudsman kaugnay sa iregularidad umano ng paghawak nito sa imbestigasyon sa Duty Free Philippines Corp.

“So sabi ko, nagsimula lang naman lumabas itong issue ng DPWH at congressman, noong lumabas `yong kanyang issue sa Duty Free na may nagdemanda sa kanya ng graft and corruption. So dito lang niya sinimulang ilabas `yong Congress at DPWH corruption. Eh nagtagumpay naman siya. Mas mukhang kinakagat kesa sa issue niya sa Duty Free,” ani Yap.

Hindi umano si Yap ang nagbunyag sa isyu ng Duty Free subalit naniniwala siyang pamatay-sunog lamang ito sa kaso kay Belgica.

Leave A Reply

Your email address will not be published.