Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sagot sa mga pawisin! Ala-yelong tela naimbento

0 74

Nakapag-develop ang mga mananaliksik sa China ng isang uri ng tela na kayang palamigin ang temperatura ng katawan.

Tinawag ang naturang imbesyon na ‘metafabric,’ na sa una’y mistulang ordinaryong T-shirt lamang ngunit may teknolohiyang kaakibat kung saan naglalabas ito ng mid-infrared radiation (MRI).

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito ay napapababa ang temperature ng katawan ng nagsusuot ng hanggang 5 degrees Celsius.

“Tests showed that a person wearing our metafabric could be cooled down 4.8 degrees [40.6 degrees Fahrenheit] lower than when wearing commercial cotton,” pahayag ng mga mananaliksik. “The cost-effectiveness and high-performance of our metafabrics present great advantages for intelligent garments, smart textiles, and passive radiative cooling applications,” saad sa research paper na inilabas sa journal na Science nitong Huwebes. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.