Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sahig na pirmado ni Kobe papalo ng P24M

0 258

ESPESYAL ang April 13, 2016 sa mundo ng NBA – final game ng career ni Kobe Bryant, sa Staples Center.

Matapos umiskor ng 60 sa arena na ginawa niyang bahay sa loob ng dalawang dekada sa 101-96 win ng Los Angeles kontra Jazz, binitawan ni Kobe ang pamosong linya niyang “Mamba out.”

Bago nilisan ang court sa huling pagkakataon bilang player, pinirmahan ni Bryant ang dalawang bahagi ng floor – nasa magkabilang dulo ang dalawang jersey numbers niyang 8 at 24 na ginamit sa buong career.

Nabaklas at napalitan ang floor, ang bahagi ng No. 24 ay inilagay sa practice facility ng Lakers sa El Segundo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang bahagi ng No. 8, iuuwi ng highest bidder.

Iniulat ng Los Angeles Times na ipapasubasta ng Heritage Auctions ang floor na pirmado ni Kobe. Sa susunod na linggo ay puwede nang mag-bid.

Ayon sa mga report, posibleng umabot sa $500,000 (P24.2 milyon) ang bahagi ng sahig na pirmado ni Bryant.

January 26, namatay si Kobe, 41, sa helicopter crash sa Calabasas, California. Kasama niyang nasawi ang anak na si Gianna, 13, at pitong iba pa. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.