Abante Tonite Interactive

Sakay ng elevator

691

Dear Dream Catcher,
Tanungin ko lang po ang meaning ng pana-ginip ko, its my third time na nakapanaginip ako na nakasakay ako sa elevator, iba-ibang senaryo.

Yung una, elevator na parang weird style (malagubat pero di horror) sobrang tagal ko daw maghihintay pero sa ground floor pa din ako bumababa. Yung pangalawa, sobrang nakakatakot, sumakay ako sa e-levator pero hindi ako makababa sa 11th floor kung saan destinasyon ko, nakakarating ako sa floor na parang abandonado at sobrang nakakatakot, kapag sumobra ako sa 11th floor bababa ako pero ganun pa din ang nakikita ko.

At ‘yung pangatlo ngayong umaga lang, bigla daw ako sumakay sa elevator pero 14th floor ang bababaan may kasabay akong dalawang lalake. Bumaba sila don tapos ako naiwan at nag-press pababa. ‘Yung button na napindot ko sobrang bilis, walang kontrol sa pagkahulog ng elevator pero di humihinto.
Marjorie

Dear Marjorie,
Ang panaginip tungkol sa elevator ay maituturing na common dream dahil kasama ito sa top 100 dreams, base sa mga pag-aaral. Ang panaginip na nakasakay ka sa elevator ay indikasyon na ikaw ay may pinagdaraanang anxiety at naniniwala kang nawawalan ka ng kontrol sa anumang sitwasyong pinagdaraa-nan mo.

Importanteng matukoy mo kung saan nag-uugat ang iyong anxiety dahil sinabi mong may ilang ulit ka na nang nanaginip ng elevator.

Ang elevator ay may dalawang movement lamang—pababa o pataas. Kung pataas, maikokonek ito sa pag-angat mo sa buhay at pababa kung iniisip mong pabagsak ang tinatakbo ng mga pangarap mo sa buhay.

Related Posts

Kung nai-stuck ka naman sa isang floor, ito ay maikokonek sa pakiramdam na ganun ka rin sa aktuwal na buhay. Hindi makatuloy sa anumang plano at maraming hadlang sa iyong mga goals sa buhay.

Ang bahaging wala kang kontrol sa elevator at nararamdaman mong bumubulusok ito pababa ay nagpapaktiang meron kang mabigat na krisis sa iyong buhay.

Nagpapakita ito na natatakot ka halimbawa sa trabaho kung saan natatakot kang mawalan ng trabaho at seguridad. Kung sa pakikipagrelasyon ay maikokonek naman ang iyong panagi-nip sa isang sitwasyon kung saan natatakot kang mawala ang iyong mahal o kaya ay matapos sa hindi maganda ang inyong pagsasama.

Alamin kung saan nag-uugat ang iyong pangamba. Hindi healthy para sa iyo ang recurrent dream mo sa elevator. Maraming paraan para mawala ang stress at una na rito ang pakikipag-usap sa mga taong may malaking maitutulong sa iyo.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating p­anaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.