Abante Tonite Interactive

Sakit ba ang pagkakaroon ng maraming GF? (3)

1,188

Hi Dra. Holmes,
Ang bf ko pala ay may maraming gf. Halos lahat niyaya ng sex. Tinanggap ko na nga na pangalawala lang ako pero may iba pa pala siya. Dapat ako ang ma­galit pero ‘di ako nagalit. Nararamdaman niyang sakit na ‘yun at ‘di na normal. Paano po ba madala siya sa isang specialist/doctor? Jo Ann

Dear Jo Ann:

Maraming salamat sa sulat mo, na pinublish natin nang buo noong nakaraang Sabado, Dec. 15. Sa huli nating kolum noong nakaraang Dec. 22, sinabi ko na ang mahalagang malaman ay ang layunin ng bf mo. Talaga bang gusto niyang gu­maling at maging matapat sa 1 babae lang? Talaga bang handa siyang hindi na manligaw sa iba? Kasi, kung hindi siya handang maging matapat at hindi niya sisikapin na gumaling, balewala ang kahit anong gawin natin para malunasan ang kaniyang ‘sakit.’ Kung ayaw mong gumaling sa isang problemang sikolohikal, hindi ka gagaling.

Related Posts

Patay na kuko

Kasinghalaga ay ang isyu na talaga bang may sakit na tinatawag na sexual addiction? At itong sexual addiction na ito ay ibig sabihin ba ay hindi mo talaga kayang maging matapat sa isang babae lang? Maraming sikolohista ang naniniwala na walang sakit na ganito, na ginagamit lang itong dahilan ng mga lalaking nahuli sa kanilang pagtataksil. Kasi ang basehan ng tunay na addiction (sa droga, sa pagsusugal na napatunyan na nag-e-exist talaga.. hindi kagaya ng sex addiction na hindi pa napatunayan) ay na hindi mo makontrol ang paggawa ng addiction mo. Na malalam rin ng tao dahil sa epek­to nito sa iyong katawan, sa perang nawawala, sa hindi ka maka-concentrate sa iyong trabaho o pamilya.

Nadadala naman ng bf mo ang kaniyang buhay at hindi mo nalaman na may addiction siya dahil wala na siyang control sa buhay niya. Nalaman mo ang kanyang pangbababae dahil nahuli mo siya. Dahil dito, ang opinion ko ay wala siyang sakit, kaya lang niyang mangbabae. Kaya niyang magtaksil sa iyo at sa ibang babae na niloloko niya.

Alam ko masakit ito, dearest Jo Ann at malungkot ako na ako pa ang nagsabi sa iyo nitong bad news pero naisip ko rin na mas mabuti na malaman mo ngayon, diba, Jo Ann, kaysa aksayahin mo pa ang buhay mo rito sa lalaking ito? Ingat, dearest Jo Ann—MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa TONITE sa Sabado. Sulatan siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sa abantewb@gmail.com